Mas marami tayo!

NAKAPAGBIBIGAY inspirasyon ang mga natatanggap kong text message, emails at FB messages tungkol sa inumpisahan nating krusada noong mag-file tayo ng petisyon sa Commission on Elections (COMELEC) para paigtingin ang pagpapatupad ng  patakaran sa pagbibigay ng voter’s ID.

Sa unang hakbang pa lang natin ay may mga bumatikos na.

Ang petisyon daw ay mag-aalis ng karapatan sa mga squatter o mga illegal or informal settler na makaboto kung maghigpit ang COMELEC sa paghahanap ng ligal na residence certificate bago payagan bumoto ang isang tao sa isang partikular na lugar.

Pero ilang beses na natin nilinaw at ipinaliwanag na ang intensyon ng petisyon ay para linisin ang listahan ng COMELEC at alisin ang mga iligal na botante nang sa ganun ay maprotektahan din ang mga squatter laban sa pwedeng magsamantala sa kanila at sa proseso ng ating halalan, tuwing eleksyon.

Kaya naman natuwa ako dahil maliban sa iilan na ayaw yatang buksan ang kanilang puso at isipan ay mas marami pa rin ang sumusuporta sa ating krusada at nagpapahatid ng pagsang-ayon sa nakikita nating maaring sagot sa ilan sa mga suliranin sa lipunan.

Marami pa rin sila.

Sila na mas gusto ang maayos at tama.

Marami pa rin tayo.

Tayo na mas pipiliin ang pag-papahayag ng tama at pagkontra sa mali.

Hindi biglaang solusyon ang pinag-uusapan natin dito.

Unti-unti. Maliliit na hakbang.

Ang unang nais nating gawin ay dahan-dahang ayusin ang problema ng informal settlers, o mga squatter, sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang pagdami sa isang lugar.

Unang hakbang nga ang paghihigpit ng COMELEC para hindi na basta-basta na lang magpalit ng residence certificate ang isang botante kung kailan lang niya gusto, at kung saan lang niya gustong lumipat na tirahan para doon bumoto.

Hindi naman mapipigilan bu-moto ang mga tao dahil sa unang hakbang na ito ng ating krusada.

Dahil halimbawang napigilan natin ang isang botante na lumipat na lang basta ng lugar kung saan nya gustong bumoto ay maari pa rin naman syang bumoto kung saan sya dating naka-rehistro.

Bumoto tayo sa ligal na lugar kung saan tayo nakarehistro.

Dito magsisimulang maayos ang maraming isyu.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply