Mas mukhang tatay pa si Gab compared kay Gary V.!

KALOKA namang pagmasdan ang mag-amang Mr. Pure Energy Gary Valenciano at anak na si Gab Valenciano. Tsikang kasing hamak na mukhang tatay pa raw si Gab kaysa kay Gary V., as in may fountain of youth kaya itong si Mr. Pure Energy kung kaya parang hindi siya tumatanda?

Wala naman balitang nagpapa-‘thank you doctor’ ang magaling na singer. Well sa isang panayam mariing sinabi ni Gary V. na ang kanyang mga anak at asawa ang nagiging lakas at inspirasyon niya sa buhay kasama na rito ang malakas na paniniwala sa Itaas. Yan daw ang mga staying young power ni Gary. Sabagay malaking factor na rin sa pagbagal ng dating ng mga wrinkles ay ang masayang pananaw sa buhay and clean living.

***

HALOS mag-iisang taon na rin naman ang nakakalipas pero tahimik na tahimik ang lovelife ng very hot ngayon na sexy young actress na si Lovi Poe. Simula ng makulong kasi ang ex boypren na si Cong. Ronald Poe ay wala nang ibang lalaki pa ang napabalitaang naging boypren o super close kay Lovi maliban na lang sa ilang leading man niya sa pelikula, and for obvious reason, promo ng pelikula.

Maging sa tsikang pakikipag-date ay wala ring balita kay Lovi, kung meron man maririnig sa sexy young actress ito ay walang iba kundi mga tsika o intrigang may kaugnay sa kanyang showbiz career. Say ng isang malapit sa dalaga, kaya raw bisi-bisihan ang actress at tutok sa kanyang work na kaliwa’t kanan, bukod pa sa ayaw mag-entertain ng mga manliligaw o makipag-date man lamang, ay dahilan sa hinihintay lang daw diumano ni Lovi ang nalalapit na paglaya ng kanyang ex-boypren na si Cong. Ronald Singson.

May pangako raw kasi si Lovi na maghihintay sa pagbabalik bansa ng boypren. Sa isang panayam ay mariing inamin ni Lovi na ibang klase talaga siya kung magmahal, isa lang at talagang kapit siya sa relasyon pero sa isyung hinihintay niya ang pagbabalik ng dating boypren, mariing “I’m single.” ang sinabi lang ng bisi-bisihang young actress.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply