Mas nakatatakot ‘yung ahas na di mo alam ay tinutuklaw ka na

PINAKA-KONTRABERSYAL at very intense ang Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown na magsisimula sa November 14 kung saan ay si Richard Gutierrez ang host. Ipinagmamalaki ni Richard ang kanilang location sa Palawan dahil ito raw ang pinakamaganda sa lahat ng season ng Survivor Philippines sa kanyang personal experience.

“Nag-enjoy ako,” aniya dahil adventurous siyang tao at doon lang niya nakita ang ibang side ng Palawan.
“Wow, mas may maganda pa palang ibang side ng Palawan,” sey pa niya.

Aminado rin si Richard na minsan ay uminit ang ulo niya sa mga celebrity castaways na binubuo nina KC Montero & Geneva Cruz, Startalk host Alyssa Alano & Sexbomb Aifha Medina, Eilen Adarna and real boyfriend Filo Cucueco, Jackie Forster and radio DJ Angelicopter, Chuckie Dreyfus and Isabel Granada, Arthur Solinap & Carlo Gonzales, Maey Bautista & Betong Sumaya, Stef Presscot & Gino dela Pena, Philippine Volcanoes, Arnold Aninion and John Odulio, Maria Isabel Lopez & Mara Yokohama.

“May mga times na may mga castaways na pasaway, may mga hindi nakakaintindi nu’ng rules. So, minsan pinapaalaala ko sa kanila at minsan dumarating ‘yung limit ng patience mo. Abangan niyo kung bakit ako nagalit?” sagot niya.

Hindi pa nila puwedeng ibunyag kung sino at kung meron bang nag-sex sa isla at kung sino ang gumawa ng milagro? Kung sinu-sino ang mga nag-away dahil 36 days nilang hinarap ang challenge para sa 3 million cash prize at maging Celebrity Sole Survivor?

“Talagang may castaways dito na talagang feeling ko hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nila at hindi nila makalimutan ‘yung experience sa island. Feeling ko meron pa ring mga conflict, konting girian, ganoon,” sey ni Chard.

Umamin naman si Stef na tinuka siya ng Philippine cobra at kita pa rin sa paa niya ang bakas ng ngipin ng ahas. Panoorin na lang daw kung paano niya na-survive.

Kontrobersyal din ang sinabi nina Isabel Granada at Chuckie Dreyfus na maraming ahas talaga sa isla.

“Hindi lang ahas na gumagalaw kundi pati ahas na nagsasalita,” deklara ni Isabel.

“Actually, bago siya makagat ng ahas, meron na talagang ahas-ahas dun. So, maraming ahas dun,” makahulugang pahayag ni isabel.

“Maraming klaseng ahas dun. Hindi lang hayop. Mas nakakatakot ‘yung ahas na hindi mo alam na tinutuklaw ka na. Mas matindi ‘yung pantatraydor. Mas seryoso ngayon. Maganda saTV pero sa amin na nandun, nakakabuwiset talaga. Marami kaming sama ng loob na bitbit pa rin hanggang ngayon,” dagdag naman ni Chuckie.

May nagparamdam ba run na ayaw sa kanya?

“Secret. ‘Yun ang sinasabi ko na emosyonal na sobrang laban ko. Mas mahirap yatang kalabanin yung ahas na nagsasalita kesa sa ahas na gumagalaw. Experience wise. Pero wala na sa akin ‘yun. It’s part of the game, e. Paglabas ko wala na. wala naman akong masamang tinapay,”sambit pa ni Isa.

‘Yun na!

-0o0-

MATALBUGAN kaya si JC Tiuseco ng kapatid niyang si Karl na pumasok na rin sa showbiz. Mas palaban kasi ito pagdating sa pagpapakita ng katawan at bukol dahil kasama siya sa indie movie na Id’Nal (Mapusok) ng Ecstatic Entertainment Productions ni Julz Lee. Ito’y sa ilalim ng direksyon ng kaibigan naming si G.A. Villafuerte na malapit na raw siyang tawaging porno director dahil ¾ sa cast niya ay nagpakita talaga ng kaseksihan.

“Basta, makikita ninyo ang lahat ng kabuuan ng aking katawan! Ha! Ha! Ha!” bulalas ng baguhang actor.

Sariling diskarte ni Karl ang ginagawa niya para makilala sa showbiz. Ayaw rin niya kasi na nasa anino lang siya ni JC. Gusto niya ay magkaroon siya ng sariling tatak. Actually mas bet nga niya ang mga kapamilya stars gaya nina Bea Alonzo, Angel Locsin at Kim Chiu kesa sa mga Kapuso Stars na kasamahan ng utol niya.

Iba raw kasi ang packaging at matitindi raw sa acting.

Feeling niya ay magiging proud naman ang pamilya niya at si JC na gumagawa ng sariling name at meron siyang pelikulang ‘Id’Nal (Mapusok)’. Pinagbibidahan din ito ni Orlando Sol at mga baguhang sina Eirik Cruz, Anton Nolasco, TJ Morello, Miguel Alcantara, Mygz Mula at iba pang baguhang handa sa frontal nudity.

Gay ang role ni Karl sa pelikula pero hindi siya natatakot na pagdudahan ang kanyang gender. Ang importante ay alam daw niya ang stand niya sa kanyang sexuality. Naging inspirasyon daw niya si Mart Escudero sa ‘Zombadings.’

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply