Matakaw na punerarya (2)

ITULOY natin ang kuwento ukol sa sobrang suwapang na punerarya na nagpapa-awtopsiya ng patay nang walang pahintulot ng mga pamilya nito at naniningil ng sobra-sobra sa mga ito.

Kahit ano raw ang gawing pakiusap ng pamilya ni Emmanuel Maming para pababaan ang singil o i-release na ang bangkay nito  ay hindi sila pinapansin ng may-ari ng Prime Funeral Parlor na si Dina Agramendez.

Namatay si Maming, kasama ang dalawang iba pa, nang araruhin ng isang kotse ang kanyang sidecar sa Welcome Rotonda, Quezon City  kamakailan.

At ayon sa  mga pulis ng QCPD ibang klase itong si Dina, kung ano ang ibinigay na presyo ay yun na.

Tsk tsk tsk….Kawawa naman ang mga namamatay sa kalsada na tulad nitong si Emmanuel Maming, ganun na nga ang nangyaring trahedya ay mas malupit pa ang kinahantungan ng kanyang bangkay sa  kamay ng Prime Funeral Parlor.

Ang dapat sa may-ari ng Prime Funeral Parlor na si Dina ay siya ang ilagay sa loob ng kabaong na kinalalagyan ngayon nitong si Maming.

Siguro kaya ganun ang presyong ibinigay nitong si Dina sa serbisyo kay Maming ay dahil maaaring inakala nito na malaki ang ibinigay ng Intsik na nag mamay-ari ng Honda Civic na nakasagasa rito na kinilalang si Christian Charles Lim.

Sinasabing ang Prime Funeral Parlor na nakapuwesto sa Commonwealth Avenue Quezon City ang opisyal na punerarya ng Traffic Enforcement Group ng QCPD.

Kaya  pala  malakas  ang loob ng puneraryang ito na kunin ang mga namamatay na biktima ng traffic violation sa mga ospital dahil  may blessing ito sa pamunuan ng QCPD-Traffic Enforcement Group kahit na walang pahintulot ang pamilya ng namatay.

Sana man lang tablan ng awa itong may-ari ng Prime Funeral Parlor na si Dina sa mga kapus-palad nating mga kababayan na namatay sa kalsada katulad ni Emmanuel Maming.

oOo

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento ay mag-text lamang po kayo  sa 09155683000 o kaya ay mag email sa lily_reyes13-@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply