Matakaw na punerarya

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang lalaki matapos na mabasag ang ulo at mukha nang ito ay araruhin ng isang kotse noong Lunes ng madaling araw sa may Welcome Rotonda sa Quezon City.

Tatlo ang namatay kabilang ang 2 taong gulang na batang babae at dalawa ang malubhang nasugatan sa nasabing trahedya at sa tatlong mga namatay ay pinakakawawa ang sidecar driver na si Emmanuel Maming, dahil sa pagiging gahaman sa pera ng nagserbisyong punerarya.

Si Maming ay kinuha ng Universal Funeral sa United Doctors Medical Center (UDMC) at dinala sa Prime Funeral Parlor sa may  Commonwealth Avenue para doon i-authopsy gayung wala namang pahintulot ang ina nitong si Evangeline Maming.

Ito ang masaklap, nang matapos nang i-authopsy ang bangkay ni Maming ay inilagay na sa isang napaka simpleng kabaong at doon ay sinisingil ng Prime Funeral Parlor ang pamilya Maming ng halagang P72,000.

At dahil sa kahirapan ay hindi mailabas ang  kawa-wang bangkay ni Maming dahil ang ibinigay lang ng naka aksidente rito ay nasa P20,000.

Kung saan-saan na nakarating  ang ina ni Maming na si Evangeline para lang maghanap ng pera na pantubos sa kanyang anak sa Prime Funeral Parlor ngunit  makahanap man ay tama
lang na pamasahe.

Kahit ano raw gawing pakiusap ng pamilya Maming  ay hindi sila pinapansin ng may-ari ng Prime Funeral Parlor na si Dina Agramendez, dahil ayon sa  mga pulis ng QCPD, ibang klase itong si Dina, kung ano ang ibinigay na presyo ay yun na.

Tsk tsk tsk…. Kawawa naman ang mga namamatay sa kalsada na tulad nitong si Emmanuel Maming.

Ganun na nga ang nangyaring trahedya ay mas malupit pa ang kinahantungan ng kanyang bangkay sa kamay ng Prime Funeral Parlor.

Ang dapat sa may-ari ng Prime na si Dina ay siya ang ilagay sa loob ng kabaong na kinalalagyan ngayon nitong biktimang si Maming. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply