Matapos ‘ilaglag’ ng 3 doktor: GMA ikakalaboso na

POSIBLE nang ilipat sa detention facility sa South Police District si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ito ay makaraang hilingin ng prosecution sa korte na kaagad mailipat na sa detention facility si Arroyo habang dinidinig ang kanyang kaso.

Ito ay kahit tinangka pa ng kanyang mga abogado na harangin ang pagharap sa witness stand ng private doctors na tumitingin sa kalusugan ng dating pangulo.

Sa pagdinig sa sala ni Pasay City Regional Trial Court Branch 112 Judge Jesus Mupas, inihayag ni defense lawyer Atty. Jose Flaminiano na hindi na mahalaga ang testimonya nina Dr. Juliet Gopez-Cervantes, Dr. Mario Ver at Dr. Roberto Mirasol, dahil hindi na nila ipipilit ang kahilingang manatili pa sa ospital ang kanilang kliyente.

Ang tatlong manggagamot mula sa St. Lukes Medical Center sa Global City, Taguig ay nauna nang ipinatawag ni Judge Mupas kaugnay sa pagdinig sa hirit na manatili sa hospital arrest si Arroyo, nahaharap sa kasong electoral sabotage.

Inamin din ng mismong mga abogado ni Arroyo na gumanda na ang kalusugan ni GMA at sa katunayan ay maaari na siyang mailabas ng pagamutan.

Kasalukuyan namang inihihirt ng depensa ni Arroyo ang house arrest para sa una.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply