Matatanda at estudyante ayaw isakay ng tsuper

ALAM ba ninyong marami sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan ang gustong hindi magsakay ng mga estudyante at senior citizens?

Simple lang ang kasagutan dito, Suki.

Luging-lugi umano sila sa 20 porsiyentong diskawnt ng mga ito sa pamasahe.

Paano?

oOo

Napakaraming dahilan, Suki, kung bakit hangga’t maaari ay ayaw sana nilang magsakay ng mga estudyante at matatanda.

Napakamahal na umano ang diesel at gasolina.

Hindi pa kasama ang mga piyesa na kahit kailan ay hindi bumaba ang presyo.

Pinasasama pa ang mahal na piyesa ng naglipanang pekeng piyesa na napakadaling masira at nagiging dahilan ng mga disgrasya gaya ng pagkakaroon ng lost break, pagsabog ng mga gulong o pagkapundi ng mga ilaw.

Dahil sa 20% diskawnt, halos wala na umano silang naiuuwi kung imemenos ang kanilang bawndary.

Nilalamon umano ng petrolyo ang kanilang kita at tanging ang mga kompanya ng langis at pamahalaan na nagpapataw ng 12% expanded value adde tax sa petrolyo ang kanilang pinakakain.

oOo

Isa pang nagpapabigat umano sa kalagayan ng mga tsuper ang kaliwa’t kanang panghuhuli ng mga pulis at traffic enforcer sa kanila kahit sa mga kalagayang ang pamahalaan mismo ang may depekto gaya ng mga depektibong trapik layt.

Para sa mga may rutang dumaraan sa maraming lungsod o munisipyo, parang impierno umano ang hirap nila sa pagbabayad ng multa sa bawat lungsod o munisipyo.

Kung magsasakay sila ng estudyante at matatanda na may 20% diskawnt, talaga umanong napakabigat na ang kanilang buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply