Mavs lalayasan ni Nowitzki

IKINUKONSIDERA na ni Dallas Mavericks’ German power forward Dirk Nowitzki ang paglaro sa Europe dulot na rin ng pagkakabalam ng National Basketball Association (NBA) games.

Ayon sa kampo ni Dirk, matagal-tagal na ring hindi nakakahawak ng bola ang basketbolista mula nang sumabak ito sa European Championship nitong Setyembre.

“This week we are going back to work, Dirk has not touched the ball since the European Championship at the end of September,” ayon sa personal coach ni Nowitzki na si Holger Geschwindner.

Sinabi ni Geschwindner na nasa atleta pa rin ang desisyon kung maglalaro ito o hindi sa Europa.

“At the moment, Dirk is out of shape. We are going to work hard over the next two weeks,” dagdag ni Geschwindner.

Aniya, kung hindi magtutuluy-tuloy ang NBA at patuloy itong mabuburo ay mapipilitan si Nowitzki na doon na lamang maglaro sa buong season.

Hindi pa rin naman umano nawawalan ng pag-asa si Nowitzki na maaayos din ang gusot sa pagitan ng NBA team owners at players.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply