May sakit na kalimot sa petrolyo at iba pa

NAGKAKANDARAPA ang pamahalaang Aquino sa paghahabol sa mga kasalanan umano ni Gloripie at mga kakosa nito.

Klaro na ginagamit nila ang lahat ng sangay ng pamahalaan at salaping bayan sa paghahabol sa kaaway nito sa pulitika na umano’y may mga kasalanan.

Kinikilala natin ang pagpupursige ng pamahalaan sa usaping ito ka-hit na ang ganitong istayl ay dinedma nina Mang Atong Corona sa hindi OK na pagkakabuo at pagtatrabaho ng Truth Commission.

Sabi nina Mang Atong, walang “s” o iniitsapuwera nina PNoy ang ibang mga tiwali sa nakaraang “administration (s)” at masama ang may tinitingnan sa tinititigan.

oOo

Habang nagkakandarapa nga sina PNoy sa paghahabol kina Gloripie, tila hindi na nila napagtutuunan ng pansin ang ibang mga problema na mas malaki pa kaysa kay Gloripie.

Por eksampol ang sobra-sobrang pagtataas ng presyo ng petrolyo o kaya’y panloloko ng mga kompanyang langis.

Maalaala ba ninyo ang nakaraang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo nitong huli?

Nagbawas-presyo ang Unioil ng P150 sa lahat ng disel at gasolina nito.

Sumunod naman ang ibang mga kompanya ng langis pero nagdagdag sila ng nasa 15-40 sentimos sa disel.

Heto pa.

May mga nakaranas ng “pagkaubos” ng disel sa maraming istasyon habang wala pang pahayag para sa dagdag-bawas sa presyo at biglang nagkaroon ng “delivery” ng disel nang mahayag na ng mga kompanya ng langis at dagdag na P.15-.40 kada litro.

Pero sa kabuuan, hirap na hirap na si Juan sa mahal na petrolyo na pinamahal ng expanded value added tax.

PNoy, bakit ba pinababayaan na lang ninyo ang ganitong problema, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply