Mayor Alfredo Lim namigay ng wheel chair

MULING namahagi ngayon ng wheel chair si Manila Mayor Alfredo Lim sa napiling recipient na nangangailangan ng pagkalinga.

Isa sa nakatanggap ng wheel chair ay ang 84-anyos na si Adelaida Gang na naka-confine sa Sta. Ana Hospital na si Mayor Lim pa mismo ang personal na naghatid.

Ang ipinamahaging wheelchair ng alkalde ay nanggaling mula sa buhos na donasyon ng Manila Lions Club.

Kasabay nito, magkakaroon ng ‘operation smile” ang Sta. Ana Hospital kung saan may 140 “bingot” o may herlip ang makikinabang sa naturang programa.

Libre ang isasagawang operasyon para sa mga may “herlip”  sa nabanggit na hospital.

Kgunay nito, isang medical mission pa ang isinagawa ng alkalde sa may Bonifacio Shrine.

Gayundin, muli itong nagkaloob ng panibagong “tulong-pakinabang” para sa 200 beneficiary ng nabanggit na programa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply