Mayor Meynard Sabili, gisinnggg!

KAPAG panahon ng halalan, hindi magkamayaw ang mga kandidato sa dami ng ipinangangakong gagawin kapag nanalo.

Ngunit kapag nahalal na, ang  mga ipinangako, masuwerte na kung isa sa mga ito ay kanilang tinutupad.

Klasikong halimbawa, kuwento ng mga taga-Lipa City ay ang kanilang punong-lungsod Mayor Meynardo Sabili.

Kung sabagay, nararamdaman din ng Chokepoint ang nararamdaman ng mga residente ng Lipa sa ipinakikitang ugali ng kanilang ibinotong alkalde.

Para bang inireklamo mo kay mayor ang mga nakikitang katarantaduhan at kalokohan sa nasabing bayan pero dedma lang ito.

Ang ‘di pagkilos ng butihing punong-lungsod sa mga karaingan ng kanyang mga kababayan and dahilan kaya sa media na sila lumalapit.

Sa pagbabakasakaling kumilos si mayor, kaya naman tinatalakay ng media ang karaingan ng mga taga-Lipa – kasama na ang Chokepoint.

Simple lang naman ang sumbong ng mga ito – ang umaksiyon si Mayor Sabili sa inirereklamo nilang lantaran ng operasyon ng iba’t ibang sugal.

Dahil, ayon sa kanila, lubhang nakaaapekto na ito sa mga naaadik nang mga miyembro ng kanilang mga pamilya.

Imbes daw kasi na pambili na lang ng bigas, naitataya o nailalaro pa ito sa STL-bookies, video karera, pergalan at iba pa.

Sa kanilang sumbong at napag-alaman din natin sa intel ng Region 4-A, isang Carling at Mendoza ang nasa likod ng pasugalan sa Lipa City.

Ang nakapagtataka, ‘di kumikilos si mayor para ma-sawata ang mga ito. Ano nga ba ang dahilan…yan ang pilit nating dinidiskubre.

Pakiwari ba natin eh, matapos suportahan at iboto para manalong Ama ng Lipa City ay natulog at nagpahinga ang alkalde.

At sa kanyang pagkakaidlip ay tila ayaw nang magising si mayor. Kung bakit, aba’y ‘di na ito nakakakita ng mga iligal.

‘Di na nauulinigan ang umaalingawngaw niyang tinig tulad noong kampanyahan at higit sa lahat ‘di na rin ito nakaririnig ng sumbong at reklamo ng kanyang mga kababayan.

Aba’y delikado yan, mayor. Kaya ang sigaw ng mga taga-Lipa City…Mayor,  gisinggggggggggg!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply