Mayweather Jr. may bagong katunggali?

KAHIT nangangamoy na ang labanang Floyd Mayweather, Jr. at Manny Pacquiao ay nakahanap ng isa pang kalaban si Mayweather sa katauhan ni Robert Guerrero.

Si Guerrero (29-1-1, 18 KOs), na nagka-injury ang rotator cuff sa kaliwang balikat bago ang August 27th showdown niya kay WBA junior welterweight champion Marcos Maidana, ay nagsabing lumalakas siya ngayon at nakahanda nang sumalang sa laban sa susunod na taon.

Aniya, nais niyang makaharap si Mayweather sa May 5, 2012 para patunayang karapat-dapat siyang iharap dito.

“It would be easy for me to fight as a welterweight without having to change my body,” ani Guerrero. “My weight right now is 152 and I’m in great shape. Having to cut down to make weight’s no good for anybody. I’ve gotten stronger as I’ve moved up in weight. I’m a legit 5’ 9” and I’ve got long arms.”

Sabi rin ni Guerrero, kung hindi matutuloy ang laban nina Mayweather at Pacquiao, dapat umanong ikonsidera na rin siya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply