Mayweather kay Pacman: Sign the contract!

MULING nagparamdam sa boxing world si Floyd Mayweather Jr. at sinabing ang laban nina Manny Pacquiao sa May 2012 ay maaaring matuloy.

Sa isang video message na naka-linked sa kanyang official Twitter page, sinabi ng five-division world champion at WBO welterweight champion na nakasalalay na lamang kay Pacquiao ang desisyon dito.

Ang nais ngayon ni Mayweather ay dapat nang lumagda ng kontrata si Pacquiao kung talagang nais nitong maisakatuparan ang matagal nang hinihiling ng boxing fans.

“I’ve been told May 5 is open,” pahayag ni Mayweather sa video. “Losing is in Pacquiao’s mind because he lost just last week. He lost to Marquez three times. May 5 is the date, sign the contract, I’m waiting.”

Matatandaang si Pacquiao, na nanalo ng mga titulo sa walong magkaibang dibisyon, ay rumehistro ng controversial win laban kay Juan Manuel Marquez.

Matapos ito ay nagpahayag na rin ng interes si Pacquiao na humarap kay Mayweather.

Matatandaan na nagkasundo na sana ang dalawa na magharap noong March 2010 ngunit nakansela  dahil sa hindi mapagkasunduang pre-bout blood tests.

Ayon kay Mayweather, handa na siyang lumagda ng kontrata anumang oras.

“You said you’re a clean athlete and you said you’d take the test so let’s do it,” ayon pa kay Mayweather.

Si Mayweather ay mayroong impressive record na panalo sa  42 na laban habang si Pacquiao ay naipanalo rin ang 54 sa 59 bouts ng Pinoy boxing icon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply