Mayweather-Pacquiao deal hinaharang ng Golden Boy

HINAHARANG umano ng Golden Boy Promotions (GBP) ang anumang hakbang ni Floyd Mayweather, Jr. sa pakikipagnegosasyon upang matuloy ang laban kay Manny Pacquiao sa May 2012.

Kaya naman, ayon kay Top Rank boss Bob Arum, nilalakad umano ng mag-isa ng kampo ni Mayweather ito.

Sabi ni Arum, nakikipag-usap na siya sa dalawang investment groups na interesadong maisakatuparan ang welterweight mega-unification nina Pacquiao at Mayweather Jr.

Ang agent ni Pacquiao na si Michale Koncz ay kasama rin umano sa negotiations.

Pahayag ni Arum, ang isa sa investment groups ay direkta umanong nakikipag-negosasyon kay Mayweather nang hindi dumadaan sa GBP.

Si Mayweather kasi ay isang promotional free agent at madalas kinukuha lamanag ang Golden Boy para i-co-promote ang kanyang mga laban.

Mismong si Mayweather umano ang nagsabi na ayaw nitong makasama sa negosasyon ang GBP.

Dumalaw na rin umano si Koncz sa gym ni Mayweather sa Las Vegas at nakausap na rin ang fighter.

Subalit itinanggi ni Leonard Ellerbe, adviser ni Mayweather na may kaugnayan sa negosyo ang pinag-usapan nina Koncz at Mayweather.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply