Mayweather pinagko-community service

DAHIL sa nabigong sumipot sa pagdinig ng korte kaugnay ng music rights dispute ay hinatulan ng 40 oras na community service si Floyd Mayweather, Jr., ng isang federal judge sa Columbia, South Carolina, USA.

Ang kaso ni Mayweather Jr. nag-ugat nang gamitin niya ang isang kanta ni Anthony Dash na ginawa noong 2005 nang walang pahintulot sa kanyang mga paglabas sa World Wrestling Entertainment (WWE) events.

Pinasisipot ng korte si Mayweather Jr. sa pagdinig ng kaso noong Setyembre ngunit hindi sumipot at ikinatuwiran na nagpahinga ito matapos ang isang laban.

Ngunit, nabuking na nagsinungaling si Floyd matapos na makuha ni Judge Joseph Anderson ang isang video tape na nagpapatunay na nasa nightclub sa Atlanta ang boksingero sa mga panahong iginiit nitong nagpapahinga siya.

Tinatayang aabot ang community service ni Floyd sa Habitat for Humanity sa Las Vegas sa Enero, 2012.

Maliban sa music rights dispute, may mga nakabinbin pang kaso laban kay Floyd kabilang ang domestic dispute sa kanyang ex- girlfriend at defamation suit na isinampa ni People’s Champ Manny Pacquiao.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply