MDT rerepasuhin sa 2012

SA PAGPASOK ng taong 2012, agad nang rerepasuhin ng Senate committee on foreign relations ang 60 taon nang mutual defense treaty (MDT) ng Pilipinas at ng Amerika.

Sinabi ni Senadora Loren Legarda, chairwoman ng foreign relations committee, ang pagrepaso ay hindi tungo sa pagbasura ng kasunduan kundi tungo sa pagdaragdag dito ng supplemental agreement upang maiakma sa pangangailangan ng dalawang bansa at upang mas maraming maging pakinabang ang Pilipinas.

Hindi umano maaring basta ipabasura ang mutual defense treaty dahil kailangan ng bansa ng mabuting relasyon sa iba’t ibang bansa gaya ng Amerika.

Ayon kay Legarda, nakasentro ang mutual defense treaty sa pagtutulungan ng Pilipinas at Amerika na maprotektahan ang kani-kanilang teritoryo.

Nais din ng senadora na idagdag sa kasunduan ang climate change, environment at economic diplomacy.

Agad naman kinatigan ni Senate president Juan Ponce Enrile ang pagrepaso sa mutual defense treaty kabilang ang kasunduan na visiting forces agreement (VFA) kung saan hindi umano malinaw kung obligadong tumulong ang America kapag may dayuhang lumusob sa teritoryo ng Pilipinas.

Pursigido rin si Senador Gringo Honasan na busisiin ang MDT at VFA dahil binarat o tinipid umano ng Amerika ang tulong sa Pilipinas sa kabila ng mga ipinangakong tulong sa ilalim ng dalawang tratado.

Sa Enero pa gugulong ang pagrepaso sa mutual defense treaty dahil nakalaan ang panahon ng Senado sa susunod na dalawang buwan sa paghimay sa panukalang 2012 budget ng gobyerno. Vicky Cervales

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply