MDT, VFA balak balasahin ng Senado

BALAK balasahin ni Senate President Juan Ponce Enrile ang Mutual Defense Treaty (MDT) at Visiting Forces Agreement (VFA) upang umangkop ang nilalaman nito sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa kabilang ang pagtatanggal sa probisyong agrabiyado ang Pilipinas.

Sa panayam habang naka-break ang Senado sa pagtalakay ng pambansang badyet, sinabi ni Enrile na napapanahon nang rebyuhin ang MDT at VFA sa harap ng pahayag ni US State Secretary Hillary Clinton na kakampihan tayo sakaling lumala ang sigalot sa Spratly Island.

For me, we should now review the treaty (MDT) including the Visiting Forces Agreement that need to be visited because it was agreed long time ago.  That is why we have an oversight committee, Congressional Oversight that we created to review the implementation of all of these treaties. So,  that if there are any disadvantages that we suffer, then we should correct them,” aniya.

Sa pagbisita ni Clinton kamakailan, tiniyak ng kalihim ng US na kakampihan ng Washington ang Pilipinas sakaling lumala ang sitwasyon sa Spratly Island na inaangkin din ng China.

Ngunit, ayon kay Enrile, hindi dapat basta-basta “paniwalaan” ang pahayag ni Clinton dahil marami nang pangako ang isinagawa ang US ngunit may ilang hindi natupad at napako.

Sinabi ni Enrile na dapat manggaling ang inisyatiba ng pagrerebyu sa executive department dahil sila ang nagpapatupad ng naturang tratado at kailangan bigyan ng prayoridad ng Kongreso sakaling matuloy ang panukala.

“Kailangan. Kailangan ang mag-initiate niyan ay ang ating Executive Department,” patapos ni Enrile.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply