Medico legal ni Ramgen ilalabas ngayon

ILALABAS ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang medico legal ni Ramgen Revilla.

Ayon kay Dr. Alvin David, medico-legal chief ng National Bureau of Investigation (NBI), 10 tama ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan at isang tama ng bala ang tinamo ni Ramgen Revilla.

Naging sanhi naman ng pagkamatay nito ang isang malalim na saksak sa dibdib na tumagos sa kanyang puso.

Sinabi pa ni David na nakuha rin sa katawan ng biktima ang bala  kung saan dinala ito sa Firearms Investigation Division upang masuri at malaman kong anong klase  ng kalibre ang ginamit ng salarin.

May mga sugat din sa braso ni Ramgen na posibleng natamo nito nang manlaban habang siya ay sinasaksak. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply