Mekaniko sinaksak ng kainuman

MALUBHA ang kalagayan ng isang mekaniko matapos saksakin ng kanyang kainuman kaninang madaling-araw sa Degalicia Maysan, Valenzuela City.

Nakaratay at ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanh ng isang malalim na sa saksak sa tiyan na ikinaluwa ng bituka ang biktimang si Jay-R Maypa, 24.

Arestado naman at nahaharap ng kasong frustrated murder ang suspek na si Ponciano Cenco, 38.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Arnel Soriano ng Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela Police, dakong ala-1:00 kaninang madaling-araw nang maganap ang insidente sa Degalicia Maysan.

Nabatid nag-iinuman ang dalawa kasama ang isa pang kaibigan nilang si Erwin nang sinita ng biktima ang suspek sa pagiging malakas nito sa pulutan.

Humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa umalis ang suspek at pagbalik ay may hawak ng patalim at agad sinugod at sinaksak sa tiyan ang biktima na ikinaluwa ng bituka nito.

Mabilis na dinala ang biktima sa nasabing pagamutan habang ang suspek ay tinangkang tumakas ngunit agad namang nasakote ng mga rumespondeng barangay tanod. Roger Panizal

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply