Memorial marker ng mga namatay na mamamahayag sa Maguindanao massacre bubuksan sa publiko

BUBUKSAN na bukas (Miyerkules, Nobyembre 23) sa publiko ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang memorial marker kung saan nakasaad ang mga pangalan ng 32 mamamahayag na brutal na pinaslang sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009.

Ayon kay NPC President Jerry Yap, ang nasabing marker ay magsisilbing alaala sa masaklap na dinanas ng mga mamamahayag sa kamay ng mga salarin at bilang pagkondena na rin sa bayolenteng pag-atake sa mga mamamahayag at pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag.

“This is an affront to the freedoms we cherish. Two years after the gruesome Maguindanao massacre, justice remains elusive for all victims and their families. Through this marker, which is a simple gesture of appreciation for the sacrifices of our comrades in the profession who lost their lives on that fateful day, we at NPC hope that future journalists would observe every 23rd of November as the day when the inept and the corrupt attempted to bury the message along with the messenger,” pahayag ni Yap.

Guguntain din bukas ng NPC ang ikalawang taong anibersaryo ng masaker kung saan sampung simbahan sa Maynila ang mag-aalay ng misa.

Magkakaroon din ng motorcade sa ganap na ala-1:00 ng hapon na magsisimula sa NPC grounds sa Intramuros, Maynila. Sa ganap na ika-4 ng hapon ay mag-aalay ng magkakasabay na misa at pagdarasal para sa hustisya ng mga biktima.

Naghanda rin ng isang konsiyerto na pinamagatang “UNREST” na lalahukan ng iba’t bang grupo ng media sa NPC grounds.

Tatalakayin din sa naturang event ang kinakahinatnan ng kaso na dinidinig ng Quezon City court kung saan nauna ng nagpetisyon sa Supreme Court ang NPC at inaprubahan nito na gawin special court ang QC RTC na humawak sa kaso ng masaker upang mapabilis ang kinakailangang hustisya ng mga nabiktima.

Kasabay nito nanawagan si Yap sa lahat ng media practitioners at publiko na suportahan ang pagsisikap ng prosekusyon na maresolba ang kaso na kinasasangkutan ng malalaking tao sa gobyerno at magagaling na abogado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply