Menor de edad ginilitan sa Pangasinan

NASAWI ang isang menor de adad makaraang gilitan ang leeg at pagsasaksakin habang malubha ang kalagayan ng kasama nito sa Manaoag,, Pangasinan.

Nakilala ang nasawi na si Mira Fe Berciles, 13, habang sugatan si Bienvinido Caliboso, 31, kapwa taga Brgy. Cabanbanan, nasabing bayan.

Naganap ang insidente dakong alas-5:15 ng hapon nang pinasok ng tatlong hindi pa nakikilalang mga lalaki ang bahay na binabantayan ng dalawa para i-hold-up pero nanlaban umano ang mga ito kaya sila sinaksak.

Dahil sa insidente ay nagtamo ng limang saksak si Caliboso samantalang gilit sa leeg at dalawang saksak naman ang tinamo si Berciles na nagawa pang isugod sa pagamutan pero idineklarang dead on arrival.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply