Mental asylum mas bagay sa mga tsismoso – FG

INALMAHAN ng kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kumakalat na espekulasyon hinggil sa balak nilang kumuha ng political asylum sa Dominican Republic.

Sa isang kalatas, binigyang diin ni dating First Gentleman Mike Arroyo na ni minsan ay hindi pa sila nakadalaw sa nabanggit na bansa at wala rin silang intensyong kumuha ng pasaporte o mag-apply ng residency doon.

“They have never been to the Dominican Republic, and have no intention of applying for passports or for residency in that country. They maintain their allegiance to the Philippines, where they definitely intend to return if allowed to leave, to face squarely the preposterous trumped-up charges against them.”

Pinatutsadahan pa ni Ginoong Arroyo ang nasa likod ng pagpapakalat ng tsismis na magpatingin sa doktor o pumasok sa mental asylum.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni Justice Sec. Leila de Lima ang impormasyon na noon pang Oktubre 25, 2011 napagkalooban ng asylum papers para sa Dominican Republic si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay De Lima, may natanggap siyang mensahe kaugnay ng nasabing impormasyon at gumagawa na sila ng kaukulang pagbeberipika.

Hindi kasi aniya maaaring balewalain ang mga nasabing impormasyon.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DoJ sa Department of Foreign Affairs (DFA) para makatuwang sa pagkukumpirma.

Una nang lumabas sa mga ulat na mismong si Dominican Republic Ambassador to India Hans Dannenberg ang personal na nag-deliver ng asylum papers kay Arroyo noong Oktubre.

Matatandaan na isa sa dahilan kaya hindi pinayagan ng DoJ na makapagbiyahe sa ibang bansa ang Pampanga congresswoman sapagkat duda umano ang mga opisyal ng gobyerno na pagpapagamot lamang ang pakay sa kanyang pagbiyahe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply