Metro Manila nilindol ng magnitude 5.3 ngayong umaga

NIYANIG ng magnitude 5.3 na lindol sa ilang bahagi ng Metro Manila at ibang lugar sa Luzon ngayong umaga.

Partikular na nilindol ang Metro Manila, Northern at Central Luzon.

Ayon sa ulat ni Philippne Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Dir. Renato Solidum, may lakas na magnitude 5.3 ang lindol na resulta ng paggalaw ng Manila trench.

Natukoy naman ang epicenter nito sa (15.87°N, 118.56°E) 140 kilometro sa timog kanluran ng Agno, Pangasinan.

Ilang minuto lamang nagtagal ang pagyanig at wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply