Mga abogado ni GMA paiimbestigahan ng DOJ

IPINAHAYAG ngayon ni Justice Secretary Leila de Lima na paiimbestigahan niya pagsisinungaling, ng tatlong abogado ng dating Pangulo at ngayon ay Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay De Lima, dapat umanong malaman kung nagsabwatan sina Atty. Jose Flaminiano, Raul Lambino at Ferdinand Topacio para itagao ang tunay na kalagayan sa kalusugan ni Mrs. Arroyo.

Iginiit ng kalihim na maituturing na obstruction of justice at grave coercion ang ginawa ng tatlong abogado matapos na nilabag umano ng tatlo ang karapatan ng ibang contestant.

Maliban sa Korte Suprema at Integrated Bar of the Philippines (IBP), dapat din umanong imbestigahan ng Philippine Medical Association (PMA) ang naturang kontrobersiya.

Unang ipinahayag ng kampo ni Ginang Arroyo na kailangang nasa hospital arrest si dating Pangulong Arroyo dahil sa kanyang karamdaman.

Nang dumating na umano ang araw ng pagdinig sa Pasay City RTC, bigla umanong kumabiyo ang mga abogado nito at idineklarang bumubuti na ang kalagayan ni GMA. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply