Mga amo pinainom ng sabon, OFW kulong

MAKUKULONG ng mahigit na apat na buwan ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong dahil sa paglalagay ng powder soap sa inumin ng kanyang mga amo.

Sa ulat, hinatulan ng korte ng apat at kalahating buwan na pagkakakulong ang hindi pinangalanang OFW.

Ayon sa pa sa ulat, nilagyan umano ng sabong panglaba at baby powder ang inumin ng kanyang employer at ang anak nito. Maging ang lola ng batang inaalagaan nito ay nakainom rin ng tubig.

Una nang inamin nito sa Hong Kong police ang kanyang ginawa at idinahilan na nais lamang niyang mapalapit ang loob ng mga employer sa kanya.

Subalit nang humarap na sa pagdinig, itinanggi na ito ng Filipina.

Ngunit nang suriin aang tubig ay nabatid na may presensya ng baby powder kaya’t napatunayan na guilty ang Pinay sa kasong ikinasa laban sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply