Mga Aquino, Cojuangco dapat ipamahagi na ang Hacienda Luisita– solon

KINALAMPAG ng isang kongresista si Pangulong Benigno Aquino III at ang buong pamilya Cojuangco-Aquino na huwag ng magdahilan at agad ipamahagi sa mga magsasaka ang lupang dapat para sa mga ito.

“Start free distribution of Hacienda Luisita lands now. This is an important initial step to justice,” ayon kay Anakpawis Rep. Rafael Mariano matapos ang unanimous decision ng Korte Suprema na nag-aatas sa mga Cojuangco at Aquino na ipamahagi na sa mga magsasaka ang may 4,916 ektarya na aniya’y halos 50 taon ng ipinaglalaban ng mga benipisyaryo.

Binabalaan din ng kongresista ang mga Cojuangco at Aquino sa posibilidad na gumamit ito ng mga taktikang pulitika at ligal upang labanan ang desisyon ng SC.

Respetuhin sana ng pamilya ni Pangulong Aquino ang Supreme Court at simulan na ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.

Si Mariano ay lalahok sa isang mass action ngayong araw sa Supreme Court kasama ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita upang igiit ang implementasyon na ipamahagi na ang lupa sa mga magsasaka.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply