Mga araw ni Gloria

NAG-UMPISA ang araw ni Ginang Gloria Macapagal Arroyo nang siya ay mahirang na trade secretary at chairman ng Garment & Textile Export Board ni President Cory Aquino.

Kung tutuusin ay may utang na loob itong si Ginang Gloria kay Mrs. Aquino.

Kung tutuusin din, may utang din na loob si Mrs. Gloria kay President Erap Estrada dahil hinirang niya itong babaeng ito na secretary of social welfare.

Nang maging President si Gloria ay agad naman siyang nagalit kay Erap at pinakulong niya sa Tanay.

At hindi lang yan.

Nang maging President si Mrs. Gloria, nakipagsolian na siya ng kandila kay Mrs.  Aquino.

Sa kabila ng malubhang sakit ni Mrs. Aquino, siya ay naglakad sa Fort Bonifacio upang kausapin ang mga nagrereklamong mga marines na siya namang hinarang agad ni Mrs. Gloria.

Aniya raw ni Mrs. Gloria: Excuse me, Mrs. Cory, panahon ko na ngayon.

Ako na ang president.

Sana ay naaalala pa ito ni President PNoy. Dapat lamang dahil hustisya ang sigaw ng bayan ngayon.

All-out justice, sabi nga para kay PNoy ng kanyang alalay na secretary of tourism.

Pero siyempre, hinay hinay lang muna si PNoy.

Nariyan naman si Justice Secretary Leila de Lima na ngayong araw yata magde-desisyon kung papayagan ang mga Arroyo na makaalis ng Pilipinas.

Ito rin ang araw na hinihintay ni Mrs. Gloria upang malaman kung papayagan siyang makalipad sa ibang bansa kasama ang kanyang mister, ang kanyang taga pagsalita, ang kanyang private nurse at delegasyon ng mga kaalyado niya para sa paghahanap ng doktor sa abroad na kung saan ay wala tayong extradition treaty.

Kung maaantala ang kanilang biyahe ay malamang na ma-indict na si Mrs. Gloria sa salang pandarambong sa mga nakaraang election.

At kapag nakasuhan na si Mrs. Gloria ay malamang na tuloy-tuloy na siya sa Women’s Correctional sa Mandaluyong na kung saan naging mayor, MMDA chairman,  judge at chairman ng commission on elections si Atty. Ben Abalos.

Gets niyo ba?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply