Mga bahay sa Mandaue City, Cebu nasunog

NATUPOK ng apoy ang ilang mga bahay sa Mandaue City, Cebu, habang aabot sa P400,000 ang danyos sa insidente na naganap kaninang hapon.

Ayon kay SFO2 Roy Garcia, fire investigator sa Mandaue City Bureau of Fire Protection na natanggap nila ang alarma kaninang ala-1:47 sa hapon.

Nagmula ang sunog sa bahay ng isang Pacita Mansueto kung saan itinaas ito ng mga bombero sa task force Bravo.

Iniimbestigahan na ang dahilan ng sunog na mabilis na kumalat sa ibang kabahayan na yari lamang sa light materials.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply