Mga biktima sa Maguindanao massacre naghahanap pa rin ng hustisya

MAKALIPAS ang halos dalawang taon mula nang maganap ang karumal-dumal na Maguindanao massacre lalong tumitibay ang paninindigan ng pamilya ng mga biktima ang paglaban para sa hustisya.

Ayon kay Nenen Momay, anak ni Rejinaldo Momay, photo journalist ng pahayagang Midland Review na nakabase sa Tacurong City, Sultan Kudarat Province at isa sa 27 miyembro ng media na namatay sa massacre, nahihirapan ang kanilang pamilya na mag-move on lalo pa’t hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang mga labi ng kanyang ama.

Sinabi pa nito na hiling ng kanilang pamilya na sana ay makita kahit ang mga buto na lamang ng kanyang ama upang mabigyan ito ng disenteng libing at upang magkaroon na rin sila ng kapanatagan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply