Mga bus na kinansela ang prangkisa huhulihin ulit ng MMDA

MULI na naman huhulihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga bus na kinansela at sinuspinde ang prangkisa.

Ayon sa ulat ng MMDA, aala na umanong balakid pa sa mga traffic enforcer ng para hulihin ang mga bus na kinansela at sinuspinde ang prangkisa dahil sa paglahok sa transport strike noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Pinagtibay na ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na “immediately executory” ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanselahin ang operasyon ng Philippine Corinthian Liner at Jell Transport at suspendihin ang prangkisa ng 18 pang bus company.

Batay sa desisyon ng DOTC, kahit naghain ng apela ang mga transport company na nasuspinde ang operasyon, kailangang isuko nila sa LTFRB ang kanilang mga plaka dahil kung hindi ito gagawin, isa na naman itong batayan para tuluyan nang makansela ang kanilang prangkisa.

Sinabi naman n MMDA Chairman Francis Tolentino, hihintayin nila ang opisyal na kopya ng desisyon ng DOTC bago kumilos para hulihin ang mga bus ng mga nasuspindeng bus company.

Sinabi ni Tolentino na sakaling magkaproblema sa impounding ng mga bus ay posibleng makipag-ugnayan siya sa pamahalaang lungsod ng Tagaytay upang magamit ang maluwag-luwag na lote  bilang pansamantalang impounding area. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply