Mga bus na kinansela ang prangkisa ligtas pa sa huli

BINIGYANG linaw ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi pa maaaring hulihin ang mga bus na kinansela ang prangkisa.

Ipinaliwanag ni LTFRB board member Manuel Iway na maaari pang umapela sa korte o sa Department of Transportation and Communications (DOTC) sa loob ng 30 araw ang mga bus company na sinuspinde o kinansela ang prangkisa dahil sa malawakang tigil-pasada noong Nobyembre ng nakaraang taon na nagparalisa sa transportasyon sa Metro Manila.

Sinabi naman ni LTFRB Chairman James Jacob na kabilang sa mga kinansela ang prangkisa ang Philippine Corinthian Liner na may 129 units at pag-aari ni Claire dela Fuente at Jell Transport na may 127 units.

Suspendido naman ng anim na buwan ang mga kompanyang Admiral Transport, Angelito Chang Transport, Don Mariano Transit, Irene Alejandro Arabia Boy Express, Jacinto Torres, Luzon Bus Incorporated, Mafel Transit, Manrose Liner, Margarito Peñalosa, Nova Auto Bus, Lippad Bus, Panda Transit Express, Roval Transit Corporation, Vil-5000 at Voyager Express Liner.

Ayon kay Jacob, maliban sa mga binigyan ng anim na buwang suspensiyon, may mga binigyan din ng isa at tatlong buwang suspensiyon depende  sa naging partisipasyon sa malawakang tigil-pasada.

Sa kabuuan, umabot sa 27 bus company na may 872 units ang naitalang sinuspinde. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply