Mga doctor ni GMA binusalan ng kanyang abogado

POSIBLENG pinagbawalan na maglabas ng regular medical bulletin ang mga doktor ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang paniniwala ni Philippine Medical Association governor lawyer Dr. Leo Olarte kaya ang abogado ng dating Pangulo na si Atty. Raul Lambino ang laging nagsasalita ukol sa kalagayang pangkalusugan nito.

Subalit ayon kay Olarte sa halip na maliwanagan ang mga tao sa kondisyon ni Arroyo ay tila mas nalilito ang lahat sa update ni Lambino.

Nilinaw din ni Olarte na ang hinihiling nila ay maimbestigahan ang certification na umano’y inilabas ng mga doktor mula sa St. Luke’s Medical Center.

Nakasaad di umano sa certification na walang ispesyalista sa Pilipinas na makagagamot sa sakit nito.

Nanindigan si Olarte na may mga ispeyalista na maaaring magbigay lunas sa sakit ni Arroyo na pinatunayan na rin ng pahayag ng Philippine Society of Pathologist.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply