Mga drayber, konduktor ng bus sasanayin sa first aid

UPANG mapalawig ang kaalaman sa pagbibigay ng pangunahing lunas nagsanay ang mga drayber at konduktor ng pampasaherong bus upang maging first aider sa oras ng pangangailangan.

Ayon kay National Council for Commuters Safety and Protection (NCCSP) President Elvira Medina, layunin ng “Drive for Life” program na ito na maging handa ang mga drayber at konduktor na magbigay lunas sakaling maaksidente sa kalsada.

Sa oras aniya na matuto ng first aid ang mga ito ay mas makakampante ang mga pasahero na ligtas silang sumakay ng bus dahil alam nilang may kakayanan ang driber at konduktor na isalba ang kanilang buhay sa oras na magkaaberya.

Ang mga papasang drayber ay bibigyan ng First Aid Certification mula sa Phil. Red Cross bilang patunay na kaya nilang tumugon sa anumang aksidente sa lansangan at iba pa. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply