Mga estudyante pumalag sa patakaran ng UST

KINONDENA ng samahan ng mga estudyante ang pamunuan ng University of Sto Tomas (UST) kaugnay sa hindi nito pagpayag na maka- enroll ang daang estudyante partikular na ang may mga utang.

Sinabi ni Sofia Santiago, tagapagsalita ng Alliance of Concerned Thomasians, hindi makatarungan ang bagong patakaran ng pamunuan para sa kanilang mga estudyante dahil sa hindi naman lahat sa mga magulang ng estudyante ay milyonaryo.

“It is highly absurd for the University to expect their students, especially for those who have pending financial obligations amounting to tens of thousands of pesos, to immediately come up with such exorbitant amounts in a span of a few days in time for enrollment. What do they think of our parents, multi-millionaires? How unreasonable and downright deplorable,” ani Santiago.

Idinagdag ni Santiago na noong nakaraang linggo lamang ipinalabas ang bagong patakaran kung saan hindi pinapayagang makapag-enrol ang may unpaid obligations at mayroong promissory note.

Sinabi pa ni Santiago na lalong dadami ang mga drop out kapag nagpatuloy ang nabanggit na mahigpit na patakaran.

Nakatakda ring dumulog sa Commission on Higher Education (CHED) ang mga estudyante para makamit ang katarungan kanilang ipinaglalaban.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply