Mga gurang na starlet nagbebenta ng sarili sa casino

UMABOT na pala sa puntong hayagan na ang pagbebenta ng dalawang starlet ng kanilang mga katawan sa mga suki ng mga casino para matustusan ang bisyong sugal.

Umabot na talga sila sa puntong ubos na ‘yung pera nila pero dahil gustong makabawi, ayan pabalik-balik sila roon.

Okey naman sana kung mabenta sila, pero sa true, halos wala ng parukyanong kumukuha sa kanila at kadalasan dahil sa awa, binabalatuhan na lang daw ng mga nananalo ang dalawang starlet na ito.

000

SA CASINO rin pala napupunta ang pera ng isang minsan ay itinuring na aktres. Hindi man siya naglalagi sa casino ngayon, may mga episodes naman daw na ‘pag nakahawak ng pera, go siya agad sa casino.

Madalas daw itong talunan, na isa rin daw siya sa mahilig manghingi ng balato sa mga lalaki.

Sayang naman ang aktres na ito na kahit may edad na ay magaling pa rin.

Pero sadyang malas ang buhay niya na nakatakda yata siya sa ganitong destiny.

While yumaman na at sikat na sikat pa rin ang mga aksabay niya, siya’y talagang naghihirap na.

Hindi na siya underage. Matanda na siya’t dapat nang matuto.

Ano naman kasi ang maaasahan e sugalera di naman yug nanay niyang namayapa na.

000

THERE was a time na laging laman ng mga blind items, ang tungkol sa isang trying hard na actor na mahilig pahagip sa mga bading.

Pinagpistahan sa mga tabloid yung diumano, this actor has been living through the generosity of several gays. Hindi man tukuyin, napagkakamalang si Coco yung actor na yun. Kasi nga sa mga clues, may mga humuhulang si Coco yung actor na pinag-awayan ng dalawang baklita sa showbiz noon. Hindi na namin babanggitin ang identity ng dalawang bading.

Suffice to say na ito yung nakatuklas sa actor at yung director na sandaling naging karelasyon diumano ni Coco.

But this is going too far, kahit may mga nagpapalagay nga na si Coco yung actor in question, noboby can really make sure at di makapaglabas ng ebidensyang si Coco nga yun.

Sikat na si Coco, magaling ding actor pero wala pa ring tigil ang mga wagayway ng mga makakating dila sa tungkol sa relasyon daw niya sa kabadingan. Heto at mayaman na siya, kung kani-kaninong exec ng isang network siya inili-link. Na dahil nasa ilalim siya ng management o pagtulong ng isang gay exec, may mga nagpapalagay na may relasyon sila.

Kung kami naman ang tatanungin, we can never believe such isuue. Kasi nga sikat na, despwes mayaman na si Coco na kung true halimbawa ‘yung bintang na namamakla siya nung araw, di na niya gagawin yun.

Ay nga pala, there was this reporter na panay ang pamalitang naging kulukadidang daw siya ni Coco. Na masarap daw magmahal ng bading si Coco, at kuwento pa ng bading na ito, kahit na raw may GF nung mga panahong yun si Coco, siya pa rin daw ang priority nito.

But of course, lihim lang siyang tinawanan ng kanyang mga kakwentuhan dahil kilala siyang ilusyunado. Feeling kasi ng hitad, ang ganda-ganda niya na talagang na-in love sa kanya si Coco Martin.

000

ANG patok na portion ng Eat Bulaga ay ang Juan For All, All for Juan sugod bahay na hatid sa inyo ng Coke at Puregold. Maraming Barangay sa buong Pilipinas ang natutulungan ng number noontime show dahil katakot-takot na pera ang kanilang pinamimigay araw-araw sa ating mga kababayan.

Kitang-kita naman ang tuwa at saya ng mga contestant kapag nananalo sila. Kaya  suportahan natin ang Eat Bulaga para tuluy-tuloy ang hatid saya nito sa mga kababayan natin. Mula Lunes hanggang Sabado sa Gma.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply