Mga huli sa 1602 pinipitsa ng COP

ISULAT po natin itong sentimiyento de pururot ng mga Pasayeño at Pasayeña kaugnay ng mga nangyayaring umano’y ‘kurakutan’ sa Pasay City na kinasasangkutan ng bagong hepe ng kapulisan nila.

Eto po, basahin natin ang kanilang message na itineks sa akin.

Mensahe: Sobra na talaga ang mga kurakot sa Pasay City.

Pati ang bagong hepe ng Pasay Police na si Col. Melchor Reyes at ang kanyang unit na Special Operation Unit ng Pasay City Police Station ay panay ang panghuhuli ng mga illegal gambling tulad ng bookies ng lotteng ni Carlo Taba.

Subalit kada huhulihin nila ang mga ‘kabo at kubradora’ ng lotteng, sa halip na sampahan nila ng kaso sa korte ay kanilang pinepera at pinakakawalan para tubusin ng bangka o kapitalistang si Carlo Taba. Sobrang takaw sa pera ng mga ‘hay….p’ na police na kagaya ni Col. Reyes at ng hepe niya sa SOU.

Hoy, Col. Reyes at kung sino ka mang hepe ng SOU, mahiya naman kayo sa mga taga-Pasay.

Makakapal ang apog ninyo palibhasa hindi kayo taga-Pasay.

Nadestino kayo riyan para magserbisyo sa mga taga-Pasay, hindi para magnakaw at mangurakot kayo at holdapin nang harap-harapan ang madlang pipol ng Pasay.

Col. Reyes, masahol pa kayo sa mga holdaper at magnanakaw na akyat bahay.

Mahiya kayo….

oOo

Untouchable nga ba ang mag-utol?

Sa Barangay Biga, Sto.Tomas, Batangas ay malakasan at hindi hinuhuli ng kapulisan ang peryahan ng mag-utol na Jenny at Raden Teñedo.

Maimpluwensiya at super malakas sa chief of police ng Sto.Tomas ang mag-utol kaya di natitinag ang peryahan ng mga ito kahit  front ng iligal na pasugalan.

Maging si Gov. Vilma Santos-Recto ay ipinagmamayabang nila.

O Ate Vi, paano ang mga iligalistang ito?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply