Mga kalansay ng tao nahukay sa Maguindanao

ILANG kalansay ng tao ang nahukay ng mga awtoridad sa lalawigan ng Maguindnao kahapon, base sa ulat ng military at pulisya ngayon.

Sa report ng AFP 6th Infantry Division, dakong alas-10:10 ng umaga nang mahukay ang ilang kalansay sa bisinidad ng Barangay Limpongo, Datu Hoffer Ampatuan.

Ayon sa tagapagsalita ng AFP Eastern Mindnao Command Ltc Leopoldo Galon kasalukuyang nasa isang law enforcement operation ang mga elemento ng Department of Justice, Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine mula sa Autonomous Region in Muslim Minandao at Region 12 nang madiskubre ang mga kalansay.

Agad namang ipinag-utos ng PNP na magsagwa ng pagsusuri ang mga tauhan ng PNP Scene of the Crime Operatives para sa pagkakakilanlan ng mga labi.

Kasalukuyang ginagalugad ng SOCO ang lugar upang mabatid kung may iba pang labi.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, Jr., ang law enforcement operation ay saklaw ng Search Warrant Nr 07-2011 at 08-2011.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply