Mga kasambahay maka-uutang na sa Pag-IBIG

OBLIGADO na ngayon ang mga employer na irehistro ang kanilang mga katulong bilang miyembro ng PAG-IBIG at magbayad ng counterpart na kontribusyon.

Dahil dito, maaari nang makakuha ng multi-purpose, calamity at housing loan ang mga katulong sa bahay o kasambahay.

Ayon kay Vice President at Housing Czar Jejomar Binay, sa ganitong paraan, matutugunan na ang pangarap ng bawat Pilipino na magkaroon ng sariling tahanan.

Sa ilalim ng batas, ang mga katulong na sumasahod ng mula P1,500 pababa ay kailangang magbayad ng kontribusyon na katumbas ng 1% ng kanilang suweldo habang ang mga sumusuweldo ng mula P1,500 pataas ay 2% ng sahod ang kailangan na kontribusyon.

Kailangan ding magbayad ng kontribusyon ang kanilang employer nang 2% bilang counterpart.

Kapag nakabuo na ang isang katulong ng 24 na buwang kontribusyon, maaari na siyang mag-apply ng multi-purpose loans, calamity loans at housing loans. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply