Mga kilalang kompanya aalalay sa rehabilitasyon ng NAIA

KINUMPIRMA ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Mar Roxas na may makakatuwang na sila sa muling pagpapaganda ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  Terminal-1.

Dahil dito, sinabi rin ni Roxas na minimal na lamang ang magagastos ng pamahalaan sa gagawing proyekto para sa rehabilitasyon ng paliparan.

Ayon kay  Roxas, kabilang ang grupo ng Singapore’s Changi Airports sa magbibigay ng technical assistance sa kung paano isasagawa ang pag-upgrade  sa mga pasilidad ng matandang paliparan nang libre.

Sa ngayon ang tanging ginastos ng gobyerno ay ang pamasahe at accommodations ng six-man team ng naturang international company na sumadya rito sa bansa.

Bukod dito, makakasama rin ng DOTC sa proyekto ang iba pang local architectural firm gaya ng Leandro V. Locsin & Associates at ang Jose Aliling & Associates. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply