Mga kumpanyang ‘di magbibigay ng 13th month pay binalaan

IPINAHAYAG ngayon ng Department of Labor and Employment (Dole) na makatatanggap  pa rin ng 13th Month Pay ang mga nagtatrabaho sa mga mall.

Ayon kay Dole Undersecretary Lourdes Transmonte, kahit na kung ilang buwan lamang nagtrabaho ang isang manggagawa ay may karapatan pa ring makakuha ng ganitong uri ng benepisyo.

Kasama rin dito ang mga nagtatrabaho ng pakyawan o ang mga nagsilbi sa kumpanya ng isa o dalawang buwan lamang at ang mga nag-resign o tinanggal.

Samantala, hinikayat din ni Transmonte ang mga empleyado na magreklamo sa tanggapan ng Dole kung may mga employer na mabibigong sumunod sa pagbibigay ng 13th month pay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply