Mga nagduda sa panalo ni Pacquiao sinermunan

SINERMUNAN ng mga kongresista ang mga Filipinong patuloy na bumabatikos at nagsasabing ang Mehikanong si Juan Manuel Marquez ang nanalo at hindi si Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Sinabi ni Marikina Rep. Miro Quimbo na tigilan na ang pagbatikos kay Pacquiao dahil mismong ang mga hurado at ang mga dayuhang sports analysts ang nagsabing si Pacquiao ang nanalo at hindi si Marquez.

“Walang basehan ang pagdududa kapag ang napanood ay replay dahil malinaw na nakalamang si Manny. Marahil disappointed lang tayo dahil di tayo sanay na mahigpit ang laban ni Manny. Kahit tingnan mo ang mukha ng dalawa mas walang tama si Manny kesa kay Marquez. Ang mga foreign boxing analysts lahat si Manny ang itinurong nanalo. Iyong mga local analysts pa ang nagsasabing talo siya. Crab mentality na naman ang pinapakita ng Pinoy,” sabi ni Quimbo.

Giit naman ni Cagayan Rep. Jack Enrile, na kahit nahaluan ng kontrobersiya ang pagkapanalo ni Pacquiao ay hindi pa rin aniya maikakailang napanatili ng kongresista ang kaniyang korona, na aniya ay siyang pinakamahalaga.

“Congressman Pacquiao is the people’s champion, a win is a win. Mataas pa rin ang pagtingin at pagmamahal sa kaniya ng sambayanan at ng buong mundo. Nagdala siya ng malaking karangalan para sa ating lahat at hindi dapat pinipintasan ng iilan ang kaniyang pagkapanalo,” wika ni Enrile.

Pakiusap naman ni Aurora Rep. Sonny Angara na hindi dapat pagdudahan ang panalo ni Pacquiao dahil batay naman sa istatistiko ay totoong mas maraming tinanggap na suntok si Marquez.

“Lumabas iyong mga istatistiko ng laban nila at lumabas na mas marami siyang binatong suntok at mas marami ang suntok na tumama sa buong laban,” sinabi naman ni Angara.

Sa panig naman ni Parañaque Rep. Edwin Olivarez ay sinabi niyang walang dapat pagtalunan dahil ang mahalaga aniya ay napanatili ni Pacquiao ang kaniyang korona.

Posible rin aniyang magkaroon ng rematch o pang-apat na salpukan ng dalawang boksingero dahil sa kontrobersyal na pagkapanalo ni Pacquiao.

“In boxing like any other sports, we are bound by the rules of the game. The final outcome except when there is a knockout is based on the judges’ score and can only be resolve by a rematch which I think will happen anytime next year. What matters most Pacquiao has retained his title and we must be proud of him  as a Filipino.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply