Mga naglalakad ng passport pwede nang sumadya sa DFA bukas

MAGMULA bukas (Nobyembre 8) hanggang sa Nobyembre 18 ay maaari nang pumunta sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa kanilang naunsyaming appointment ngayon dahil idineklarang non-working holiday.

Ngayon ay ginugunita ang Eid al-Adha (Feast of Sacrifice) ng Islam, na idineklarang non-working day ng Malakanyang noong nakaraang Oktubre 20.

Alinsunod sa Republic Act No. 9849, ang Eid’l Adha ay tinuturing na regular holiday.

“All applicants scheduled for an appointment for passporting on the said date will be accommodated anytime from 8:00 a.m. to 12:00 p.m. (noon), Monday to Friday, from November 8 (Tuesday) to November 18 (Friday),” pahayag ng DFA.

Pinaalalahanan din ang mga aplikante na magdala ng orihinal na kopya ng kanilang appointment form na may petsang Nobyembre 7, 2011.

Maaari na ring kumuha bukas ng passport na dapat sana ay iiisyu ngayon mula alas-otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply