Mga OFW tuturuan ni Villar sa pagnenegosyo

TUTULONG na rin ang Villar foundation para maturuan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na makapagtayo ng sariling negosyo.

Sinabi ni Sen. Manny Villar na katuwang ang “Go Negosyo” ay maisasagawa ang OFW summit.

Sinabi ni Villar na para magkaroon ng pagkakataon na maging entrepreneur ang mga OFW ay ipakikita sa OFW summit ang mga oportunidad sa pagnenegosyo upang mapalago ang kanilang kinita sa abroad.

Ayon kay Villar, kabilang sa mga pinag-uukulan niya ng oras ang pagpapakita ng oportunidad sa mga OFW at ng kanilang mga pamilya.

Idinagdag pa ni Villar na kulang ang kita ng mga Pinoy sa Pilipinas kaya marami ang nangingibang-bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply