Mga pag-atake ng NPA sa Mindanao sisiyasatin

NAGHAIN ng resolusyon si House Deputy Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na nagsusulong na imbestigahan ng Kamara ang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa Mindanao habang nasa gitna ng peacetalk.

Sa  kanyang inihaing House Resolution 1786, hinikayat ng kongresista ang House Committee on Public Order and Security na imbestigahan ang kabiguan ng intelligence service ng gobyerno na hadlangan ang opensiba ng makakaliwang grupo gayung may namamagitang peacetalks sa gobyerno at CPP-NPA.

Kaakibat nito ay hinimok din ni Suarez ang Kamara na hikayatin ang pamahalaan na  magsagawa ng nationwide threat assessments  upang malaman kung ano ang posibleng targetin pa ng NPA at mapag-aralan na rin ang relasyon ng military field units sa mga komunidad.

Binigyang diin ni Suarez na bagama’t nagpapatuloy ang peace talks ay patuloy pa rin naman ang bayolenteng pagkilos ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang pagsunog sa Holiday bus lines ng apat na armadong lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng NPA sa Davao-Cotabato National Highway, Barangay Astorga, Sta. Cruz.

Bukod pa aniya dito ang pagsalakay  ng grupo sa isang police outpost sa lalawigan ng Davao del Sur.

“The attacks underscored the difficulty of negotiating with the rebels with a ceasefire. We hope that we fulfill our dream for peace — the everlasting peace that we‘re longing for  more than a decade,” sinabi pa ni Suarez.

Sinabi pa ng mambabatas na dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng NPA ay posible aniyang maapektuhan ang isinusulong na usapang pang-kapayapaan na matagal nang hinahangad ng bawat isa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply