Mga pag-ulan dulot ng La Niña

DULOT ng La Niña phenomenon ang mga pag-ulan ngayon sa buong bansa.

Ito ang sinabi ni Science and Technology Secretary Graciano Yumul na patuyo na dapat ang panahon ngayon pero nakararanas ng malawakang pag-ulan ang bansa dahil sa La Niña.

Ayon kay Yumul, bukod sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ), mayroon ding shallow low pressure area (SLPA) na namataan sa may Cabanatuan City sa Nueva Ecija.

Makararanas aniya ng malakas na pag-ulan ang Northern at Central Luzon kasama na ang Quezon habang ang National Capital Region (NCR) naman ay makararanas ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat.

Binanggit ni Yumul na mabagal ang paglamig ngayong taon dahil hindi makapasok ang hanging Amihan dahil sa lakas ng hangin mula sa Silangan.

Basa at mainit aniya ang hanging galing Silangan kaya hindi pa nararamdaman sa bansa ang malamig na panahon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply