Mga pasahero sa bus hinoldap ng 4 na armado

NATANGAY ang mga alahas, cellphone at personal na kagamitan sa mga pasahero nang holdapin ng apat na holdaper sa loob ng isang pampasaherong bus kaninang umaga sa Quezon City.

Batay sa pahayag ng konduktor na kinilalang si Domingo Manalo ng Malanday Metro Link, ang insidente ay naganap bandang alas-8:35 ng umaga sa bahagi ng Muñoz at Bago Bantay sa QC.

Sumakay umano ang apat na suspek na armado ng patalim at baril sa bus na may biyaheng Malanday-Monumento patungong Baclaran na may plakang TWH-461 at idineklara ang panghoholdap.

Nagpaputok pa umano ang isang suspek at nilimas ang mga cellphone, alahas, salapi at personal na kagamitan ng mga pasahero bago nagsitakas.

Nagsasagawa na ngayon ng follow-up operation ang mga tauhan ng Quezon City Police Station 10 para madakip ang mga suspek. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply