Mga Pinoy dismayado sa panalo ni Pacquiao

HINDI kuntento ang mga nanood na Pinoy sa resulta ng laban ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez via majority decision 114-114, 115-113, 116-112 upang mapanatili ang korona bilang WBO Welterweight champ.

Matatandaang sinabi ni Pacman na “It’s very clear that I won the fight” matapos ang laban.

Tabla ang laban para kay Judge Robert Hoyle sa iskor na 114-114, samantalang sina Dave Moretti at Glenn Trowbridge ay nagbigay ng iskor na 115-113 at 116-112, na kapwa pabor kay Pacquiao.

Ayon kay sports analyst Mico Halili, ganito rin ang nangyari nang matalo noon ni Marquez si Pacquiao – na nabaligtad nga lamang sa pagkakataong ito.

Sa oras ng laban, kitang kitang nahirapan si Pacquiao sa pakikipaglaban kay Marquez, ngunit sa sunud-sunod na suntok ng Pinoy champ, bumigay rin ang boksingerong Mehikano.

Ayon sa CompuBox, 176 na suntok mula sa 578 na pinawalan ni Pacquiao ang tumama kay Marquez.

Umabot naman sa 138 na suntok mula sa 436 na pinakawalan ni Marquez ang tumama kay Pacman.

Doon pa lamang umano ay lamang na ang Pinoy boxer.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply