Mga Pinoy na may dugong dayuhan umaarangkada

MALAKI ang iginaling ng mga Filipino sapol nang dumami ang mga nakapag-asawa ng mga dayuhan at nagkaanak ng mga mestiso at mestisa.

Sa pisikal na kaanyuan, ang bagong mga Filipinong ito ay may matatangos na ilong, mabibilog o singkit na mga mata, matatangkad at mapuputi ang kutis, maliban sa mangilan-ngilang maiitim na kalahating Pinoy at kalahating Aprikano.

Noong nakaraang taon ay nanalo ang 2010 Bb. Pilipinas Universe Venus Raj ng ikatlong puwesto sa 2010 Miss Universe Beauty Pageant.

Si Miss Raj ay kalahating  Filipino at kalahating Bombay ang dugo mula sa Bicol.

Sinundan ito ng pagkapanalo ni Shamcey Supsup na isang mestisang mula sa General Santos City bilang pangatlo sa 2011 Miss Universe Beauty Contest.

Wala pang isang linggo ang nakararaan ay itinanghal namang pangalawang pinakamagandang babae sa balat ng lupa sa pagta-tapos ng 2011 Miss World Beauty contest si Gwendolyn Gaelle Sandrine Ruais na isang maganda at matalinong Filipina na may kinalahating dugong Filipino at kalahating dugong Danish.

Idinaos ang proklamasyon at koronasyon nito sa London noong nakaraang Linggo.

Sa isang parangal na idinaos sa New York kamakailan ay kinilala ang 20 namumukod tanging Filipino-American sa pangunguna nina Jose Antonio Vargas na isang Pulitzer awardee, Lea Salonga, international singer at movie at stage actress Lea Salonga at Black Eyed Peas na isang bantog na Fil-Am rapper.

Isa pang mestisong Filipino-Chinese ang gumawa ng kasaysayan nang mapili ng CNN na CNN Heroes ng 2011.

Siya ay si Robin Lim ng Baguio City.

Kinilala ng CNN ang kanyang paglilingkod sa mga kapus-palad sa Bali, Indonesia nang libre bilang tagapagpaanak o midwife.

Sina Fanel Adriene Wu II ng MGC New Life Christian Academy sa Taguig City na isang Filipino-Chinese ay nanalo ng gold medal at  nanguna  sa  international math contest kamakailan.

Si Charice Pempengco ay maituturing na isang half-Chinese Filipina na nagpatanyag sa Pilipinas bilang isang bansa ng de-kalibreng mga mang-aawit.

Ito’y ilan lamang sa marami at malaking naiambag ng mga mestisong Filipino sa pambansang kaunlaran at serbisyo publiko.

Ang listahan ng mga rebolusyonaryong Filipino nang nagdaang panahon ay hitik sa mga pangalan ng mestisong Kastila at Chino na tulad ng pambansang mga bayani na sina Dr. Jose P. Rizal, yumaong Presidente Manuel L. Quezon, El-pidio Quirino at Cory Aquino at ang asawa ng huli na naging martir ng demokrasya, ang yumaong Senador Benigno S . Aquino Jr., na ama ni Pangulong Noynoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply