Mga Pinoy sa na-hijack na oil tanker malaya na

MALAYA na  sa kamay ng mga West African pirates ang  ilang tripulante ng oil tanker MT Halifax kabilang ang mga Pinoy.

Ang MT Halifax ay na-hijack noong nakaraang linggo sa baybayin ng Port Harcourt, Nigeria Delta.

“The vessel is presently being escorted to Port Harcourt harbour by Nigerian Navy Patrol Team,” pahayag ng tagapagsalita ng Nigerian Maritime Administration. “Part of the cargo was siphoned.”

Naging bihag ng mga pirata ang Italian captain, mga Pinoy at Indian.

Ayon sa report, marami rin umanong West African pirate at nangha-hijack ng mga barko na may kargang langis upang ito ay kanilang maibenta.

Kamakailan lamang ay magkakasunod din na binihag ng Somali Pirates ang dalawang barko na may mga Pinoy ding tripulante. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply