Mga pulis na nasisi sa pagpuslit ni Ramona, ipinagtanggol

IPINAGTANGGOL ni Marikina Rep. Miro Quimbo ang kapulisan matapos silang masisi sa malayang pag-alis ng bansa ng half sister ni Senador Ramon “Bong” Revilla na si Ramona Bautista na idinadawit sa pagpaslang sa kanyang kapatid na si Ramgen.

Ayon kay Quimbo, may tamang proseso dito na nakasaad sa alituntunin ng korte pagdating sa pagsasakdal o pag-aresto at hindi ang pulisya ang dapat na sisihin dito.

Tinukoy ng kongresista ang nakasaad sa batas na hindi naman basta-basta aarestuhin ng isang pulis ang isang suspek lalo pa’t sa kalagayan ng kaso ng mga Revilla na ilang araw na ang nakakalipas at kailangan na itong dumaan sa preliminary investigastion.

Paliwanag ni Quimbo, maaari lamang arestuhin ang isang may-sala kung ito’y naaktuhan ng mga awtoridad at may malalim na nalalaman sa krimen.

Nauna ng inireklamo ni Justice Secretary Leila de Lima na nababagalan siya sa imbestigasyon ng pulisya kaya’t sa mga ito naibunton ang sisi kung bakit hindi napigilan ang pag-alis ni Ramona sa bansa.

Dahil dito, inirekomenda ni Quimbo na repasuhin na ang pagbibigay ng Hold Departure Order upang mapigilan ang mga hinihinalang suspek na umalis ng bansa.

Ang pahayag na ito ng kongresista ay bunsod ng ginawang pag-alis ng bansa ni Ramona na nadawit sa pagpatay kay Ramgen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply